Ang Bionote ay isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor o may akda ng nasabing aklat. Mayroong pitong (7) na katangian ang pagsulat ng isang bionote, ito ay ang mga sumusunod:
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Nicole Kent L. Sacapaño)
1. Maikli ang nilalaman
- Karaniwan ay hindi binabasa ng mga mambabasa ang bionote kung ito ay mahaba. Sikapin na paikliin lamang ang pagsulat ng Bionote para basahin ito at siguraduhin na ang nilalaman nito ay ang mga importanteng impormasyon lamang.
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
- Laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng Bionote kahit na ito ay tungkol sa iyong sarili.
Halimbawa:
"Si Juanito Alfonso ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Medicine sa University of Sto. Tomas. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang doctor sa University of Sto. Tomas Hospital."
3. Kinikilala ang mambabasa
- Kinakailangan na isaalang-alang ang mambabasa sa pagsusulat ng isang Bionote. Kung ano ang hinahanap ng mambabasa dapat ay iayon sa kanilang hinahanap ang pagsulat ng Bionote.
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
- Ang pagsulat ng Bionote ay katulad lang rin ng iba pang obhetibong sulatin. Palaging unahin ang pinakamahalagang impormasyon sa pagsulat ng Bionote. Ito ay dahil sa ang mga mambabasa ay binabasa lamang ang unahang bahagi ng sulatin. Kaya dapat lamang na sa simula pa lang ay ilagay na ang mga mga mahahalagang impormasyon.
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
- Piliin lamang ang mga kasanayan o katangian na angkop lamang sa layunin ng iyong Bionote.
6. Binabanggit ang degree kung kailangan
- Mahalagang isulat sa Bionote ang degree na nakuha ng isang awtor dahil isa ito sa mahalagang impormasyon na dapat malaman ng isang mambabasa.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
- Siguraduhin na tama ang lahat ng impormasyon na ilalagay sa isang Bionote. Huwag magsulat ng hindi totoong impormasyon para lamang maging kahanga hanga ang pangalan ng isang tao.
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Juan Miguel V. Lamsen)
- Isang sanaysay na patungkol sa akda na ang primaryang nakasaad ay ang kanyang pangalan, edukasyon, at mga nalikha.
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Mark Justin D. Samson)
- Tala ng may akda patungkol sa kanyang sarili, nangyari sa kanyang buhay na mag bibigay inspirasyon sa mga makakababasa ng kanyang isinulat.
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Marinella P. Banua)
- Pagpapakilala ng awtor- nakasaad dito ang digri, institusyong akademiko, mga samahang sinalihan at larangan ng pinagkadalubhasaan.
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Franshine Aliyah S. Grantos)
- Impormatibo,nagbibigay ito ng kaalaman sa mga mangbabasa ukol sa kasanayan ng may akda at mga naranasan neto naisasaad din dito ang mga parangal na nakamit ng may akda.
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Erika Jane O. Olivar)
- Akda na patungkol sa may awtor na nag bibigay sa kanyang sariling pag kakakilanlan at nag lalaman ng pagiging matagumpay at karangalan ng may akda.
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Leonel P. Portilla)
- Ang bionote ay isang maikling talata na naglalaman ng isang pinaikling talambuhay.
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Jazel Loren A. Padilla)
- Isa sa mga katangian ng bionote ay ang pagbibigay ng malayang pahayag patungkol sa buhay at karanasan ng may akda.
MGA KATANGIAN NG BIONOTE
(Dhens Ashlee S. Ceneta)
- Ang bionote ay hindi tulad ng isang karaniwang talambuhay kung saan niroromantisa ang naging buhay ng tampok na indibidwal. Ang bionote ay isang maikling talata na naglalaman ng isang pinaikling talambuhay. Pinaikli, sapagka’t ito ay naglalaman na lamang ng mga impormasyon na totoo at direkta. Karaniwang nilalagay lamang sa bionote ang lugar ng kapanganakan, pinag-aralan, nakamit ng mga parangal, at mga naisulat na akda.
nakakatuwa na ginamit niyong example si Juanito Alfonso from Binibining Mia's "I Love You Since 1892" This story is full of surprises and it will definitely leave you crying for more
ReplyDelete